Friday, November 28, 2008

hello

wala na'kong balak mag-english kahit kailan. joke. nakakadepress na talaga ang eng102. andami ko ng post na di tinutuloy dahil baka mali ang grammar. sheeeet! ayoko ng magsulat talaga.

anong kinalaman ng litrato sa post na to? wala. gusto ko lang ipagmalaki ang pagkakaedit. haha! at hindi ko isheshare ang secret ko, at hindi yun photoshop dahil hindi ako marunong.

ang boring ng buhay ko. grabe. wala man lang ako maikwento. maliban sa oo, ang ganda ng twilight. at hindi ako twilight fan, okay fine kinilig ako sa libro pero ang pinakaayoko talaga eh kapag ginagawang movie. pumapangit kasi. well, syempre mas maganda pa rin yung book. still hindi panget yung movie. ang ganda ni bella :)

so yun. wala na. wala na kong masabi. gumawa nga pala ko ng xanga. panglimang blog ko na ata yun?? so syempre hindi yun magiging active dahil loyal ako sa blogger ko. at sumubok akong ipersonalize ang theme, but no! loser ko talaga eh. ang hirap kaya.

so eto seryoso na. wala na'kong masabi.

No comments: