may dalawang oras yata akong nakatitig sa dingding ng Big Dad's at kung hindi lang imposible, nakabisado ko na yata lahat ng nakasulat sa freedom wall nila. kahit minsan sumasakit na yung mata ko, sa kakatitig sa dingding o sa usok ng LB square at sa mga luhang kung pwede lang isuka ay bolimik na ko, nakatitig pa rin ako, at andun pa rin ako sa mausok, mabango at maingay na lugar na yon. ang nakakapagtaka at ang nakakatawa, kahit saan ko pa ibato ang tingin ko balik pa rin ng balik dun sa malalaking letrang FS, green at yellow ang kulay. lahat na ng posibleng ibig sabihin nun naisip ko na, friendster? for sure? feeling sick? forgetting sarah (galing sa forgetting sarah marshall)? fat slim? faster slower? falling stones? ferri swheel? joke lang. naisip ko na ata lahat saka ko nalang naisip na baka pangalan yun.
kung hinayaan ko, mapapanaginipan ko siguro yung lalaking nakanta dun. maganda ang boses at mukang mabait. sana nakaligtas ako sa isa nanamang gabi ng walang katapusang panaginip na di ko maala-alala pag dating ng umaga. pero hanggang dun lang sya, sa stage ng Big Dads hawak ang gitara nya habang nakanta ng mga malulungkot na kanta na para bang nanadya. hindi dahil sa ibang dahilan, kundi dahil hindi sya nakakalagpas sa tingin. hanggang dun lang parati. yun lang ang kaya kong ibigay.
hindi ako madrama. matagal-tagal na ng huli akong bumanat ng mga judith mcnaught na mga linya, pero ng nilulunod ng boses nya ang ingay ng halkhakan at iyakan dun sa sinumpang lugar na yun, nalungkot ako. sabi ni sarah, phase daw yun, yung lahat ng bagay tinatawanan, lahat nginingitian, tas paguwi nagmimistulang bahay ampunan ng luha ang unan. yung bang pag gising mo feeling mo natulog ka ng basa ang buhok. nakakatawa pero hindi ako tumawa. tapos na siguro ako sa phase na yun. siguro kahit wala akong boyfriend o kung ano man, may karapatan din akong maging malungkot. matagal na ring tuyo ang hinihigaan ko.
bago umalis sinulat ko yung pangalan ko sa isang lugar dun sa Big Dads. hindi ko alam kung bakit, papansin lang siguro. gusto ko bago ako umalis ulit, masulatan ko kahit isang maliit na bahagi dyan sa utak mo. kahit saan mo man piliting tumingin gusto kong bumalik balik ang mata mo sa isang malaking T, kulay pula. gusto kong wag mong kalimutan, gusto kong lumagpas sa tingin mo at sumama sa kung saan ka man dinadala ng kaluluwa mo tuwing nakanganga ka't dilat, mahimbing at nananaginip.
nagiisa kang lalaking dinadala ko sa kin. hindi ko man maalala ang panaginip, alam ko. dahil malungkot tuwing paggising.

No comments:
Post a Comment